Martes, Oktubre 18, 2011

Alamat ng Printer

Sa isang maunlad na lugar, may isang batang galing sa marangyang pamilya. Mayabang, palaasa sa kaibigan, tamad, yan si Paco. Pag may exams, lagi lang siyang na ngongopya sa kaklase niya. Palibhasa madami siyang pera, nililibre niya lagi ang mga classmate nya, kalakip ang pagsisilbi sa kanya. Ang mga kabarkada nyang si Mon-Mon at Carlo na sobrang naiinis na sa kanya, kahit wala silang magawa ay pinapakisamahan pa din nila ito. Isang araw ay marami silang mga proyekto sa eskwela, dahil sa tamad si Paco pinagawa lang niya ito kay Mon-Mon at Carlo. Anu ba yan si Paco, nakakainis na ang ugali. Feeling niya ay alila niya tayo, ang inis na inis na wika ni Mon-Mon. Oo nga e! lagi nlang niya tayong kinokopyahan at inuutusan, pasalamat siya at kinakaibigan pa din natin siya kahit masama ang ugali niya, ang tugon naman ni Carlo. Habang patagal nang patagal ay palala ng palala ang kanyang katamaran at kasamaan ng ugali. Lalo siyang naging pala-utos. Dumating na ang kanilang unang buwan ng pag-susulit. "Siyempre satin na naman kokopya yang tamad na yan. Ang wika ni Carlo.", Natapos na ang pagsusulit. At ang nakakuha ng pinakamataas na marka ay si Paco. "Aba! ang talino naman ni Paco, siguro lagi siyang nag-aaral ng kanyang mga lessons. Ang tuwang tuwang wika ng kanyang guro.". Hmp! Nag-aral ba ng mabuti?? e, nangongopya lang iyan samin. Ang inis na inis na sabi ni Mon-Mon. Sana mawala na yang mokong na yan, ng wala na tayong pakikisamahan. Ang sabi ni Carlo. Kinagabihan, habang mahimbing na natutulog ang lahat. Biglang umulan at kumidlat ng malakas. Nagising si Paco sa lakas ng tunog, nang biglang may lumapag na maliwanag na ilaw sa kanyang harapan. "Paco", ang sabi ng tinig na nanggaling sa liwanag. HA??!!! sino ka?? ang sabi ni Paco. Kailangan mong matuto ng leksyon! ang sabi ng tinig na mula sa liwanag. "Bakit? ano ang aking kasalanan, ang nagtatakang wika ni Paco." Dahil tamad ka at umaasa sa iyong mga kaibigan, panahon na para tumayo ka sa iyong sarili. Gagawin kitang isang printer na naglalabas ng impormasyon mula sa kompyuter! Biglang dumagundong sa lakas ang kanyang silid, at may nahulog na isang kahon. Kinabukasan, kinatok ng mommy ni Paco ang silid nito. "Paco..... anak? malelate ka na sa eskwela." Pag-bukas ng pinto ay wala si Paco. Nakita lang niya ang isang kahon na may lamang Printer. At dito na nga lumabas ang kauna-unahang printer.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento