Ako si Arianne Arlie S. Antonio. Naninirahan sa San Jose Calumpit, Bulacan. Ako ay nag-iisang babae sa apat na magkakapatid.
Tumuntong ako ng kindergarten noong ako ay anim na taong gulang pa lamang. Nagkamit ako noon ng ikatlong parangal. Simula noon, hindi na ako naalis sa top 10. Pagtuntong ko ng grade 1, nakamit ko ang first honor sa klase. Halos lahat yata ng guro ko sa elementarya ay kinagigiliwan ako pagkat kahit sa anong kompetisyon ako ilaban, nakakamit ko ang karangalan para sa aming paaralan. Hindi na ako naalis sa pagkafirst-honor ko noong ako ay grade two. Ngunit pagdating ko ng grade three, napunta ako sa second honor, hanggang sa patuloy na ngang bumaba ang ranggo ko hanggang sa makarating ako sa huling yugto ng elementarya.
Bumawi naman ako noong pagtuntong ko ng high school. Lagi rin akong nasasama sa top 10.
Pagdating ng 2nd year sa high school, naospital ako dahil sa sakit na Urinary Tract Infection. Mula noon lahat halos ng pagkain ay ipnagbawal sa akin. Mabuti na lamang ay mabilis akong nakarecover nung mga panahong 'yon.
Ngayon nga na nasa kolehiyo na ako. Marami akong natutunan sa buhay. Natuto akong pahalagahan ang oras kapiling ang mga mahal ko sa buhay. Natuto rin akong magtipid. Ngunit dito, natuto rin akong pumunta sa iba't-ibang lugar nang hindi ko kasama ang aking mga magulang. Ngayon ko lamang din naranasan ang matulog sa bahay ng aking kamag-aral. Hindi naman mahigpit ang mga magulang ko sa akin pagkat alam kong malaki ang tiwala nila sa akin at hinding-hindi ko iyon sisirain. Sa ngayon, lahat ng pansin ko ay itinutuon ko sa pag-aaral, kahit na marami akong kaibigan na "pasaway", hindi naman nila ako nilalapit sa mga gawain na ikapapahamak ko. Lahat kami ay may takot sa Diyos at patulos na nananalig sakanya.
IMblog
Martes, Oktubre 18, 2011
Aking karanasan sa bagyong Pedring at Quiel
Noong Setyembre 27, 2011 nagsimula ang paghagupit ng bagyong Pedring. Napakalakas na hangin ang humampas sa buong baranggay ng San Jose kung saan kami naninirahan. Noong una, inakala namin na katulad lamang ito ng mga naunang bagyo, pangkaraniwan. Ngunit pagdating ng Setyembre 28, pataas na nang pataas ang lebel ng tubig sa aming kalsada. Akala ng lahat ay ordinaryong baha lamang ito gaya ng mga naunang baha sa aming lugar. Ngunit lahat ay nangamba nang patuloy na tumataas ang tubig baha pagsapit ng gabi.
Ngayon ko lamang naranasan ang ganito kataas na baha! Hindi ko ito inasahan kung kaya't mahigit isang linggo rin akong nakulong sa bahay pagkat walang bumabyaheng bangka papuntang Malolos, kung saan ako nag-aaral. Nangangamba ako noong mga oras na iyon dahil tyak na marami na akong na-miss na mga leksyon sa klase. Mabuti na lamang at sinabi sa akin ng aking kamag-aral na hindi raw magbibigay ang buong Unibersidad ng BulSU ng anumang pagsusulit o aktibidad sa buong linggong iyon. Nawalan ako ng pangamba nung oras na nalaman ko iyon :)
Dalawang linggo ring mabagal ang paghupa ng tubig. Salamat na lamang sa Diyos at wala niisa sa amin ang napahamak sa dulot ng paghagupit ng dalawang bagyong tumama sa buong Luzon.

Alamat ng Printer
tungkol sa AKIN
Ako si Arianne Arlie S. Antonio labing-pitong taong gulang. Pinanganak noong Oktubre 07, 1994 sa Manila Hospital. Naninirahan ako ngayon kasama ng aking mga magulang at kapatid sa baranggay San Jose Calumpit, Bulacan. Panganay ako sa apat na magkakapatid. Spoiled Brat kung tuksuhin ng lahat pagkat nag-iisang apo at anak na babae sa angkan ng Antonio. Information Technology ang kursong aking kinuha sa isang Unibersidad ng Malolos, Bulacan.
Simple lang akong tao, nagkakamali gaya ng iba. Hindi ako maarte ngunit masungit kung minsan. Hindi rin ako mapili pagdating sa pagkain, kung ano ang inihain, iyon ang kakainin. Malinis sa katawan at ayaw sa maduduming lugar. Madalas tahimik ngunit madaling patawanin. Malapit sa mga lalake lalo na sa mga babae, pagkat maniwala ka man o hindi, pangarap kong magkaroon ng kapatid na babae :)
Mula noong ako ay magdalaga, hindi ko pa naranasan na pumasok sa isang relasyon, kahit na maraming kalalakihan ang umaaligid sa tabi-tabi ;)
Mga pangarap sa buhay, iyon muna ang nais kong pagtuunan ng pansin pagkat naniniwala ako na ang lalake, hindi nauubos yan, ngunit ang pagkakataon na makapag-aral, hindi natin masasabi kung hanggang kailan ito.

Ang uwak na nagpanggap
Isang uwak ang nakakita ng mga lagas
na balahibo ng pabo sa lupa.
Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa
iba't ibang kulay na taglay niyon.
At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon,
iyon ay kanyang pinulot isa-isa
at saka idinikit sa kanyang katawan.
Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo
Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo
ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito.
Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang
kauri, kaya naman hindi rin nagtagal
ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.
Dahil dito, inalis ng mga pabo ang
Dahil dito, inalis ng mga pabo ang
iba't ibang kulay na balahibong
nakadikit sa katawan ng uwak.
Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang
sa takot na lumisan.
Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga
kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito.
At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad
mong walang pagmamahal sa sariling anyo!"
Maikling kwento ng pag-ibig
Si Alex, isang mag-aaral sa kolehiyo na nagmahal ng isang babaeng nagngangalang Ederlyn De Vivarre. Hindi naman niya inasahan na magkakasama pala sila sa iisang klase, kaya sa hindi inaasahang pagkakataon, sila ay naging malapit sa isa’t isa.
Lalong nahulog ang loob ni Alex kay Ederlyn…
Patapos na ang ikalawang semestre noon. Kung kaya’t hindi mapiglan ni Alex na gumawa ng paraan upang ipagtapat na kay Ederlyn ang kanyang nararamdaman. Gumawa siya ng sulat at inipit ito sa aklat na nasa mesa ni Ederlyn habang break time ng mga estudyante.
Pag uwi sa bahay, hindi mapakali si Alex dahil nag-aalala siya sa kung anong mangyayari matapos basahin ni Ederlyn ang sulat. Kinabukasan, hindi siya pinapansin o kinakausap manlang ni Ederlyn. Ganito nang ganito ang pangyayari sa dalawang araw matapos niyang ibigay ang sulat. Sa sobrang lungkot na tila ba gumuho na ang mundo ni Alex, hindi na siya nakapagpigil na lapitan at kausapin si Ederlyn. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, may iniabot si Ederlyn na maliit na papel sa kanya sabay alis na wala manlang siyang narinig niHA niHO mula dito. Nang buklatin niya ang papel, isa pala itong imbitasyon sa isang piging na gaganapin sa bahay nila Ederlyn.
Kinabukasan, pumunta siya sa piging, may kalayuan at liblib pala ang lugar nitong si Ederlyn. Pagkarating niya doon, agad na may sumalubong na isang karwahe, lulan ng sasakyang ito si Ederlyn. Iniaabot ni Ederlyn ang kanyang kamay kay Alex upang pasakayin sa karwahe.
Pagkarating nila sa isang malaking hardin, napansin ni Alex na tila siya lamang ang naiiba sa kanilang lahat dahil ang lahat ng taong nandoon ay pawang mga dugong bughaw. Ang kulay ng kanilang mga buhok ay ginto. Lahat sila ay mapuputi at anyong mayayaman.
Hindi naman niya naramdamang siya ay naiiba sakanila pagkat ang mga tao doon ay mababait at may pakisama sa kaniya. Kahit pasulyap-sulyap lamang siya kay Ederlyn, ang gabing iyon ay maituturing niyang pinakamasaya sapagkat nakasama niya at nakilala ang pamilya ni Ederlyn..
Ngunit, biglang nawala ang lahat at tila ba naglaho na parang bula ang mga tao sa paligid maging si Ederlyn. Nagising siya sa isang kwarto na tila ba pamilyar sa kanyang paningin. Nakita niya ang kanyang ina na tuwang-tuwa at nagpapasalamat dahil nagising na ang kanyang anak.
Matapos magising sa katotohanan. Ikinwento ng kanyang ina ang lahat ng nangyari sa kanya sa loob ng isang linggo.
Sinabi ng kanyang ina na isang linggo na raw siyang wala sa sarili. Wala siyang kilala kahit isa sa kanyang mga kamag-anak at lagi raw siyang nakatulala. Nagsimula raw ito matapos siyang matagpuan ng isang lalaki na nakahandusay sa gitna ng kalsada sa isang di-kilalang lugar.
Nagising na lamang daw siya nang may isang batang hindi taga-roon ang nag-abot ng isang maliit na papel sa kanyang ina. Binigay ng ina ang sulat kay Alex. Binuksan niya ito at nakasulat ang mga salitang…
“Kami man ay marunong ding magmahal.
Ederlyn”
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)